-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Sasampahan ng kasong illegal possession of Firearms at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) ang isang barangay Tanod na nasamsaman ng hindi lisensiyadong baril at droga sa isinagawang search warrant sa bahay nito sa barangay Cumabao, Tumauini, Isabela .

Ang suspect ay si Delmar Marcelo,3 9 anyos, may-asawa at barangay tanod ng nabanggit na barangay

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, mismong ang panganay na anak ng suspect ang humingi ng tulong sa kanyang kaibigan upang ireklamo ang kanyang ama.

Nag-ugat ang paghingi ng tulong ng anak sa isa niyang kaibigan dahil kapag nalalasing umano ang ama ay ginagamit ang kanyang baril para takutin ang kanyang pamilya.

Nagtungo naman ang kaibigan sa Tumauini Police Station upang iulat ang ginagawa ng ama ng kaibigan sanhi para maglabas ang hukuman ng search warrant laban sa pinaghihinalaan.

Nakuha sa bahay ng pinaghihinalaan ang isang Cal. 45 pistol at dalawang sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana .

Nasa pangangalaga na ng Tumauini Police Station ang suspect at inihahanda na ang mga kaso laban sa kanya.