CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang Barangay Tanod ng itoy pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan dakong alas 9:30 nitong gabi ng Huwebes sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Jerry Mangansakan,Barangay Tanod ng Barangay Macasendeg Pikit Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police Major Rolando Dellera na sakay ang biktima ng kanyang minamanehong motorsiklo sa sitio Manding barangay Poblacion Pikit ng itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.
Agad namang tumakas ang mga salarin ng masigurong patay na ang biktima.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan si Mangansakan kaya agad itong binawian ng buhay.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit Municipal Police Station sa pamamaril patay sa biktima.