ILOILO CITY- Patuloy pa na pinaghahanap ang isang barangay tanod na bumaril sa umano’y kalaguyo ng kanyang misis sa Brgy. Bagacay, Pototan, Iloilo.
Ang biktima ay si Michael Ryan Mendoza, 38,residente ng Barangay Guinacas, habang ang suspek naman ay si Ian Pedroso, 50, residente ng Barangay Bagacay na nasabing bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Staff Sergeant Richard Cabucos, imbestigador ng Pototan Municipal Police Station, sinabi nito na inabangan ng suspek ang biktima at nang makita nito na nakasakay sa motorsiklo at tumigil sa tindahan ng kanyang asawa, doon na at nilapitan niya ito at pinagbabaril.
Patuloy pa na ginagamot ang biktima sa isang ospital sa Iloilo.
Bago ang insidente, may komosyon na umano na nangyari sa pagitan ng suspek at biktima noong 2019.
Ayon pa kay Cabucos, kabilang sa tinitingnan na anggulo ay ang selos at love triangle dahil kalaguyo umano ng biktima ang misis ng suspek.
May impormasyon rin na nangongolekta lamang ng pautang ang suspek ng mangyari ang pamamaril.