Sa kulungan ang bagsak ng dalawang 17-anyos na lalaki matapos silang akusahan ng pagpatay sa isang barangay tanod, na nagtangkang patahimikin ang dalawang grupo ng mga menor de edad na nasangkot sa rumble o away sa kalye.
Pansamantalang naka-detain ang dalawa sa Naga City Police Station.
Sinabi ni Police Lt. Col. Junnel Caadlawon na ginamit umano ng dalawang menor de edad ang gaff (tari sa manok) para saksakin at mapatay si Danilo Alerta Sr., 57, isang village watchman o barangay tanod, habang sinusubukan nitong pigilan ang away sa kalye ng dalawang grupo ng mga menor de edad.
Nangyari ang insidente sa Purok 1, Sitio Ardonix, Barangay Taghaguimit, Naga City sa Southern Cebu.
Sinabi ni Caadlawon na tumakas ang mga menor de edad matapos ang pag-atake kay Alerta, ngunit naaresto sila matapos ang follow-up operation.
Aniya, ikukulong ang mga menor de edad habang nakabinbin ang pagsasampa ng kaso.