CENTRAL MINDANAO-Sa ikalawang bugso ng Barangayan ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato nakabenepisyo sa mga serbisyo ang abot sa mahigit sa isang libong residente ng Brgy. Pisan.
Patuloy na pinangunahan ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang mga serbisyong tulad ng feeding program, libreng tsinelas para sa Kinder hanggang Grade 6 students, libreng birth certificate registration para sa edad lima pababa, road rehabilitation, covid-19 vaccination, medical check-up at libreng gamot, vitamin supplementation para sa mga buntis at lactating moms, anti-rabbies vaccination at zinc phosphide distribution, vegetable seeds, operation tuli, libreng gupit-kulay-at pedicure manicure, Senior Citizen Allowance Distribution, Tricycle Renewal, Solo Parent PWD at Senior Citizen Registration, DOLE-TUPAD Registration, OWWA-OFW Concern, Real Property Taxation, BFP Fire Response, Disaster Preparedness training, wheelchair at tungkod, at pagturn-over ng mga medical equipment mula sa DOH.
Samantala, maliban sa serbisyo, nakabenepisyo rin ang mga maliliit na tindahan lalo’t nakaugaliaan na ng alkalde na hindi magdala ng mga ipinapameryenda bagkus sa mga nagtitinda na lamang bibili upang makatulong din.
Samantala, nagpasalamat naman si Brgy. Pisan Captain Marilyn Bugaoisan sa liderato at suporta ni ABC President Evangeline Pascua-Guzman. Aniya, kasabay ng pag-unlad ng ibang barangay ay hindi nagpapahuli ang serbisyong natatanggap ng Brgy. Pisan mula sa lokal na pamahalaan.
Ikinatuwa din nito ang mainit na pagdalo ng mga residente at kapansin-pansin ang mainit na pagtangkilik ng mga residente sa libreng gupit na kung saan naging matagumpay sa suporta ng Progress Kabacan(LGBTQIA+ Group), 90th IB, PNP, BJMP, at BFP.
Nagpasalamat naman si ABC President Evangeline Pascua-Guzman sa mga residente ng Brgy. Pisan. Aniya, serbisyo sa Kabakeño ang nais ng lokal na pamahalaan at ilalapit ito ng LGU-Kabacan.