BUTUAN CITY – Patuloy ang pagsasagawa ng Police Regional Office (PRO) 13 ng kanilang Barangayanihan sa iba’t ibaang barangay sa buong rehiyon ng Caraga.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Major Dorothy Tumulak, information officer ng PRO-13 na ito ang PNP version ng community pantry sabay linaw na hindi pa na-uso ang community pantry ay matagal na nila itong ginagawa simula noong umupo sa posisyon si regional director BGeneral Romeo Caramat Jr. nitong Septembre 2020.
Katunayan nito’y umabot na sa 6,195 mga pamilya o 15,366 mga indibdiwal ang nakabenepisyo sa kanilang ibinabahagi na ayuda sa mga nangangailangan.
Kung noon ay isasabay nila ito sa mga gagawin nilang community activities, ngayon ay mag-identify na sila ng lugar na pupuntahan ng kanilang patrol car dahil sa pandemya.