-- Advertisements --
image 137

Pinagpaplanuhan na ng 9th time Grammy award ang kanyang magiging performance sa halftime superbowl 57 show sa Phoenix, Arizona.

Inaabangan rin ang kanyang mga kakantahin, na magha-highlight sa kanyang Caribbean culture.

Matatandaan na ang singer songwriter na si Rihanna ay Pinanganak sa Barbados at naglabas ng kanyang solo album simula pa noong 2016.

Sinabi rin ng international superstar na na-inspire pa siya lalo matapos maipanganak ang kanyang first baby noong Mayo..

Ito na ang pangalawang pagkakataon na hiniling na magtanghal si Rihanna sa Super Bowl matapos niyang tanggihan ang isang alok noong 2018 bilang pakikiisa para sa quarterback na si Colin Kaepernick.

Sa ngayon, todo na ang paghahanda ng singer habang nalalapit na rin ang kanyang kaarawan.