Mariing itinanggi ni Quad Comm Chairman at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang akusasyon ni Mrs. Mylah Roque, asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque na inaabuso nito ang kaniyang awtoridad.
“I would like to vehemently deny Mrs. Mylah Roque’s claim that I am an abusive individual who abuses my immunity from libel during the Quadcom hearings,” sagot ni Rep. Barbers sa isang pahayag.
Tinawag kasi ni Mrs Roque si Barbers “an abusive individual” dahil sa pag summon sa kaniya sa pagdinig ng House quad comm kaugnay sa operasyon ng illegal Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Sa isang satement na pinost sa social media, inakusahan ni Mylah si Barbers ng pag-abuso sa kanyang awtoridad habang “malisyosong” iniuugnay siya sa Lucky South.
Naglabas kasi ng show cause-order ang Quad Comm laban kay Mylah Roque.
Ayon kay Barbers kung mayruon siyang panahon para manood ng Quadcom hearings mula sa umpisa hanggang sa ika-anim na pagdinig malinaw na makikita na bilang Quadcom chair nagsisilbi siyang “rudder” ng team at kalmadong pinangungunahan ang House leaders at panel members sa pagdahan-dahan sa mga hindi kaaya-ayang mga pahayag habang nagpapatuloy ang pagdinig.
Muling pinatawan ng contempt ng House Quadcom si Roque dahil sa pagtanggi na humarap sa panel matapos hilingin ang mga dokumento kaugnay sa hindi maipaliwanag na yaman.
“Your husband Harry’s continued refusal to submit the vital documents he promised to provide the Quadcom only increased the lawmakers’ curiosity on the sudden increase of his wealth, from P125,000 in 2016, to P125 million in 2018,” pahayag ni Barbers.
Sa ngayon patuloy na pinaghahanap si Roque.
Pina-summon din ng komite si Mrs. Roque para humarap sa panel subalit hindi ito nakadalo dahil nasa Singapore ito at sumasailalim sa medical treatment na naging dahilan para mag-isyu ang panel ng show-cause kay Mylah Roque.
“If you and Mr. Roque really have nothing to hide, particularly his alleged links to illegal POGO, then you should both attend the Quadcom hearings, be transparent and open all your cards,” pahayag ni Barbers.
Binatikos ni Mrs Roque si Barbers sa pagtawag sa kanilang pamilya bilang “wasak.”
Sinagot naman ni Barbers ang alegasyon.
“As to her claim that I declared her family as ‘wazak,’, I think I would be the last person to say that. Mr. Roque’s close executive assistant, AR dela Serna’s disclosure and admission during the hearings that they are maintaining a ‘joint bank account ‘worth P3 million could have adversely affected or damaged his reputation,” wika ni Barbers.
Binigyang-diin ni Barbers na huwag sila sisihin sa nangyayari ngayon sa kanilang pamilya, ginagawa lamang ng Quad com ang mandato nito na imbestigahan ang iligal na operasyon ng POGO, EJK, illegal drugs at human trafficking.
” Huwag kami ang sisihin nya, tanungin nya ang sarili niya,” pahayag ni Barbers