Hinikayat ni House Quad Comm Leader at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang Department of Justice (DOJ) na mag samoa ng muder charges laban kina retired police Colonels Royina Garma at Edilberto Leonardo kaugnay sa pananambang nuong 2020 laban kay retired police Gen. Wesley Barayuga.
Ayon kay Barbers mayruon silang close coordination sa DOJ at mayruon silang mga representatives na nagmomonitor sa kanilang pagdinig lalo at kanilang ibinubunyag ang isang krimen.
Tinukoy ni Barbers ang naging rebelasyon ni Police Lt. Col. Santie Mendoza ng Philippine National Police Drug Enforcement Group at Nelson Mariano, na isang drug informant ni Mendoza na sina Garma at Leonardo ang nasa likod sa pagpatay sa dating Lotto official.
Giit ni Barbers sa mga nasabing rebelasyon dapat gumalaw na ang DOJ at sampahan na ng kaso sina Garma at Leonardo.
Sa pagdinig ng Quad Comm nuong nakaraang Biyernes iminungkahi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na isama sa committee report ang rekumendasyon na sampahan ng kaso sina Garma at Leonardo.
Una rito, naglabas ng pahayag ang PMA Matikas Class of 1983 at pinuri ang Quad Comm sa paglabas sa likod ng asasinasyon ni Barayuga.
Si Barayuga ay miyembro ng PMA Class 1983.