Nananawagan si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sa Palasyo ng Malakanyang na imbestigahan ang umano’y pagpapa renta ng ilang mga local government units sa Central Luzon sa 85 Chinese-owned firms na mag-operate at i-exploit ang coastal at agri towns ng Bataan, Zambales at Pangasinan.
Ang operasyon ng mga nasabing Chinese firms ay hindi malinaw kung ano ang kanilang negosyo subalit lubha itong nakaka-apekto sa kabuhayan ng mga lokal na mangingisda.
Ayon kay Barbers,na siyang lead chair ng House’s Quad Committee at chairman House’s Dangerous Drugs panel na nakatanggap siya ng mga reliable information sa ilang mga mangingisda hinggil sa kahina-hinalang aktibidad ng mga nasabing Chinese-owned firms.
Ginawa ni Barbers ang panawagan kasunod ng direktiba ng Palasyo na imbestigahan ang alegasyon kaugnay sa mga naarestong Chinese spies na sina Wang Ingyi, Wu Jaren, Cai Shaohuang at Chen Haitao na nag donate ng 10 Chinese-made motorcycles na nagkakahalaga ng US$2,500 or P144,800 bawat isa sa Manila Police.
Mayruon din ulat na nuong July 2022 nakita sa isang social media post si Wang na nagbigay ng P500,000 check bilang “poverty alleviation bursary” sa lakalde ng Tarlac City at sa local police force.
Inihayag ni Barbers na ang ginagawang modus ng mga nasabing “Chinese spies-invaders” ay kahalintulad din sa POGO kung saan nakikipag kaibigan sa mga local government officials at mamahagi ng tulong ng sa gayon maipag patuloy ng mga ito ang kanilang mga iligal na aktibidad sa mga localities.
Pinapasilip din ni Barbers sa Palasyo ang legal basis at protocols na ginamit ng mga LGUs sa pagpayag na rentahan shorelines at agricultural land na ito ay pagmamay-ari ng gobyerno.
Ikinagalit din ni Barbers ang ulat na may dalawang barko ng China na tatlong buwan ng nanatili sa bayan ng Palauig sa Zambales subalit walang aksiyon dito ang mga concerned agencies gaya ng PCG, BI, PNP, AFP, DA at BFAR.
Aniya posibleng sangkot sa dredging activities, mining, smuggling at drug smuggling ang nasabing barko.