Pinuri ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang pambansang pulisya sa mabilis nitong aksiyon sa pagkaka-aresto sa suspek sa shooting incidente sa may Makati EDSA tunnel.
Sinabi ni Barbers, muling naipakita ng PNP ang kanilang pagiging propesyunalismo dahil sa mabilis na pagkaka-aresto sa suspek na si Raymund Yu, na siyang nasa likod sa pagbaril patay sa isang family driver.
Giit ng beteranong mambabatas na dapat siguraduhin ng PNP ang isang malalimang imbestigasyon at ang suspek na guilty sa krimen ay dapat managot at makulong.
Pina-alalahanan din ni Barbers ang PNP na hindi magpa impluwensiya sa anumang pressure sa imbestigasyon lalo at nakatutok sa mga otoridad at judiciary ang publiko ng sa gayon maibigay ang hustisya sa pinaslang na family driver.
Hinikayat din ng Kongresista ang PNP na tignan kung saan nakakuha ng armas ang suspek at kung may mga baril pa ito dapat kumpiskahin na rin.
Inihayag ni Barbers na ang pag-mamay-ari ng baril ay dapat suriin ng mabuti at striktong imonitor ng PNP.