Dapat simulan na ang crackdown at pagpapahinto sa operasyon ng mga POGO lalo na ang mga iligal matapos ipag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA ang total ban.
Ayon kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, dapat agad na maipatupad ang “marching orders” ng Pangulo.
Kabilang sa mga ahensiya na inaasahan ni Barbers na agad na mangunguna sa crackdown ang PAGCOR, DFA, DOJ, Bureau of Immigration, Anti-Money Laundering Council, DOLE at iba pa.
Sinabi ni Barbers na hindi sapat ang pagpapalayas sa mga POGO at pagbabawal sa kanilang operasyon sa bansa.
Dapat lang anya na patawan ng kaso at maparusahan ang mga lumabag sa batas na sangkot sa ibat-ibang uri ng krimen.
Aminado si Barbers na may epekto sa revenue ng gobyerno ang utos ng
Pangulo na total ban pero makakaasa anya ang pamahalaan ng suporta sa Kamara para isulong ang mga panukala na makatutulong sa pag-usad ng ating ekonomiya.