-- Advertisements --

Target ng quad committee na bumuo ng batas at panagutin ang mga sangkot sa mga iligal na aktibidad.

Ito ang binigyang-diin ni House Committee Chairman on Dangerous Drugs Rep. Robert Ace Barbers sa pagsisimula ng pagdinig ng Quad Committee kaugnay sa extra judicial killings, iligal na operasyon ng POGO, illegal drugs at paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Barbers trabaho ng Komite para bumuo ng mga legislative solutions na susuporta sa prosecution ng mga indibidwal na sangkot mga criminal activities.

Siniguro ni Barbers na desidido ang komite na wala silang sisinuhin para hubarin ang maskara ng mga sindikato nasa likod ng mga iligal na aktibidad, i-expose ang kanilang mga iligal na aktibidad ng sa gayon mabigyan ng hustisya ang mga naapi.

Pagtiyak ni Barbers na hindi titigil ang Komite hanggang hindi mabatid ang katotohanan at para tuldukan na rin ang nasabing salot.