-- Advertisements --

Tiniyak ni Quad Comm leader Rep.Robert Ace Barbers na ibibigay ang lahat ng respeto at kortesiya kay dating Pangulo Rodrigo Duterte na dumalo sa pagdinig ngayong araw.

“ Nais namin tiyakin sa inyo na rerespetuhin namin ang inyong karapatan. Hindi kami naririto upang kayo’y husgahan kundi pakinggan ang inyong panig,” pahayag ni Rep. Barbers.

Ipinaliwanag naman ni Barbers kung bakit tinuloy ang pagdinig ngayong araw sa kabila na kinansela nila ito.

Ayon sa mambabatas, matapos mabatid ng komite na pupunta ang dating pangulo para komprontahin ang Quad Comm ay minabuti na kanilang ituloy ang pagdnig ngayong araw.

Sinabi ni Barbers nais nila itake advantage ang presensiya ng dating Pangulo ng sa gayon masagot nito ang lahat ng kanilang alegasyon.

Paliwanag ni Barbers na nagdesisyon ang Quad Comm kahit hindi nagbigay ng pormal na sagot ang kaniyang abogado.

Sinabihan naman ni Barbers si dating Pangulo na sa kaniyang desisyon na magpakita sa Quad Comm at pinaunlakan ang kanilang imbitasyon ay pinasisinungalingan nito ang sinabi ni Atty. Martin Delgra na walang integridad, walang independence at walang probity.

Ipinunto din ni Barbers na ang tanging layon ng Komite ay bigyang linaw ang mga ibinibintang laban sa dating pangulo ng ilang mga testigo.

Nilinaw naman ni Barbers na ang Quad Comm ay hindi binuo para husgahan ang dating Pangulo kundi marinig ang katotohanan at ang sagot sa mga paratang laban sa kaniya.