-- Advertisements --

Pumalag din si Barbie Imperial matapos mabiktima ng pagkalat online ng edited na nude photo nito.

Barbie nude 2
Reposting this photo because people are messaging me about this photo (2nd photo). Grabe, sobrang stupid naman. You really think I’ll post a photo like this? Sa lahat ng nagshashare nito, ANG LALA NYO. And sa lahat ng nagbabash and madaming sinasabi sakin dahil sa picture na to, ANG TANGA LANG. Wala na ba kayong magawa kundi mag edit ng photos ng mga babae at gawing nude photo? Paisa lang po, dahil nakakagigil talaga yung gumawa nito. Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid nyong utak?! Itigil nyo na, wala kayong ambag.

Ayon sa 22-year-old actress, nakakagigil at nakakatakot isipin na may mga susunod pang babae na mapagti-trip-an ng mga taong walang konsensya.

Ngayong Lunes, kasabay pa man din ng unang araw ng “love month,” ipinost ni Barbie ang original photo niya suot ang kulay neon green na swimuit na pinaglaruan sa bersyon kung saan wala siyang suot na saplot sa katawan.

Tinawag na “stupid” ng girlfriend ni Diego Loyzaga ang mga naniniwala na kaya niyang maghubad sa publiko.

Una nang nanggaliti sa galit noong nakaraang linggo lang sina Sue Ramirez at Maris Racal matapos na pagpiyestahan din sa internet ang edited swimsuit photo nila na kita na ang maseselang bahagi ng katawan.

Kapwa nagbanta ang magkaibigang artista laban sa anila’y mga manyak na naglalaan ng oras para babuyin ang pagkatao ng isang babae.