Palaisipan sa mga netizen kung para nga ba kay Barbie Imperial ang mapang-asar na meme na ibinahagi ni AJ Raval sa kanyang Facebook.
Sa gitna ito ng umiinit na kontrobersya kung saan nali-link ang 25-year-old sexy star sa boyfriend ni Imperial na si Diego Loyzaga.
Sa post ng anak ng action star na si Jeric Raval, isa itong meme na may written text na “Stay away from my man” at sa baba nito ay ang litrato ng isang panot na tila alien o unggoy.
Una nang kinuwestiyon ng 23-year-old actress ang pananahimik ni AJ sa aniya’y fake news na binibisita umano siya ni Diego sa Pampanga base sa rebelasyon ng social media personality na si Xian Gaza.
Para kay Barbie, tapat ang kanyang 26-year-old boyfriend at hanggang pagiging co-star lang sa pelikula ang ugnayan kay Raval.
“And I heard, I have a proof na AJ and Xian Gaza are friends. She feeds him mga info na mga chismis. Gusto mo maging kabit? E, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko,” pasaring ni Imperial sa panayam ni Boy Abunda.
Kung maaalala, nadawit din ang pangalan ni AJ noong kasagsagan ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.