Hindi akalain ni Barbie Imperial na magiging magkasintahan sila ng kapwa artistang si Diego Loyzaga.
Pahayag ito ng 22-year-old actress, ilang araw matapos unang isapubliko ng 25-year-old actor ang kanilang espesyal na relasyon.
Ayon kay Imperial, masaya siya na natagpuan ang “2in1” o pagmamahal at pagkakaibigan sa iisang tao.
“Still my favorite photo of us 👫🏻💕
Totally unexpected to fall for someone I thought I’d be just friends with forever but I’m really happy to have found both love & friendship with this one 🥰
Thank you for making me happy & feel loved. Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you 🖤 #angcheezynibarbie pagbigyan ngayon lang ulit naging ganito 🙈” caption ng young actress sa kanilang larawan.
Una nang nagpasalamat si Diego dahil naging maganda aniya ang pagtatapos ng kanyang 2020 dahil kay Barbie.
Si Carlos Diego Loyzaga ay anak ng dating celebrity couple na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.