Inaasahang pag-aagawan umano ng mga collectors ang dalawang pistols na gawa mula sa 4.5 billion-year-old na meteorite.
Ayon sa pagtaya maaaring maibenta ito ng aabot sa halagang $1.5 million kapag naisubasta na itinakda sa Hulyo 20.
Ang ginawang baril ay mula sa tinaguriang Muonionalusta Meteorite na nadiskubre sa Sweden noong taong 1906.
Ang gumaganang .45 caliber pistols ay makikita ang desinyo na classic 1911 handgun design.
May paniwala ang mga ekspeto na ang meteorite ay bumagsak sa mundo na tinatayang 1 million years ago.
Gayunman ang naturang meteorite ay posible ring tumagal na ng 4.5 billion years.
Ang Dallas-based auction house na Heritage Auctions ang siyang naatasang magsubasta sa pistols na pwedeng mabili ng isahan o buong set.
Aminado naman ang gumawa ng hand guns, ang gunsmith na si Lou Biondo ng Business End Customs na naintriga siya nang ikomisyon siya sa paggawa nang naturang kakatwang mga baril.