-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Ikinadismaya ng Police Regional Office 10 ang nangyaring ingkwentro sa pagitan ng dalawang pulis na ikinasugat ng apat na sibilyan sa Brgy. Puerto dito sa lungsod.

Sinabi ni PNP Region 10 Spokesman Lt. Col. Surkie Serenias sa panayam ng Bombo Radyo na kanilang isinagawa ang imbestigasyon upang malaman ang toto-ong pangyayari na ikinasugat rin nga mga pulis na nagbarilan.

Ayon kay Serenias, hindi sila mag-aatubili sa pagpataw ng karampatang parusa laban nila ni Police Staff Sgt. Arman Tagolimot ng Misamis Oriental Provincial Police Office at Police Chief Master Sgt. Jose Ryan Sevillano kung lumabas sa pagsisiyasat na mayroon silang kapalpakan.

Una nang iginiit ni Puerto Police Station Commander Capt Mario Mantala na misencounter ang nangyari dahil mayroong wanted person na hinahabol si Tagolimot at umabot ito sa kanilang area of responsibility kung saan nagsagawa ng police visibility si Sevillano.

Sa ngayon nasa ligtas nang kalagayan ang dalawang pulis at apat na sibilyan na kinabibilangan nila ni Jaymar Canencia, Mary Ann Ordaña, Darlene Eduave at Elenita Salinay na pawang nagpapagaling sa isang pribadong pagamutan dito sa lunsod.