-- Advertisements --
image 536

Agad idineploy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang BRP Melchora Aquino at isang airbus helicopter nito para rumesponde sa MT Princess Empress na bahagyang lumubog sa baybayin ng Balingawan point, Naujan Oriental Mindoro ngayong araw.

Base sa report ng Philippine Coast Guard, ang MT Princess Empress ay mula sa Bataan at patungo sanang Iloilo at sakay ang 20 crew nito at nasa 800,000 liters ng industrial fuel oil ng mangyari ang insidente.

Base naman sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng overheating ang nasabing motor tanker at napadpad naman ito sa bahagi ng balingawan point dahil sa hapas ng alon at hindi magandang lagay ng dagat kaya ito bahagyang lumubog.

Nagsasagawa naman ngayong ng surveillance ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa posibilidad ng oil spill sa lugar.

Na-rescue naman ng foreign vessel na MV Epes ang nasabing mga crew at pawang nasa maayos naman na itong kalagayan.