-- Advertisements --

Tuluyan nang lumubog ang barkong MV Tutor na unang napaulat na inatake ng Houthi Rebel sa Red Sea sa pamamagitan ng missile.

Ito ang kinumpirma ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac sa harap ng mga kawani ng Media.

Ayon kay Cacdac , ang naturang barko ay lumubog na sa may bahagi ng Eritrea sa East Africa.

Kaugnay nito ay siniguro ni Cacdac na ipagpaaptuloy nito ang paghahanap sa nawawalang Pilipino seafarer na tripulante ng natirang barko.

Sa ngayon, hindi pa aniya masasabing patay na ito dahil hindi pa natatagpuan.

Tuloy-tuloy lang aniya ang paghahanap dito at nilinaw na walang oras o time frame na inilaan.

Wala ring patid ang pagbibigay ng ahensya ng tulong sa pamilya ng nawawalang pinoy.