-- Advertisements --
Nahati sa dalawa ang barkong sumadsad sa karagatan ng Mauritius.
Ang nasabing barko ay sumadsad sa coral reef noong Hulyo 25 ay nagdulot ng oil spill.
Umabot sa mahigit 1,000 toneladong langis ang tumagas sa dinarayong karagatan.
Dahil sa pangyayari ay nagdeklara ang Mauritius ng environmental emergency.
Nagsagawa ng mabilisang pagtanggal ng mga salvage crews sa natitirang 3,000 toneladang langis mula sa lumubog na barko.
Nagtulungan na rin ang mga residente doon para matanggal ang tumagas na langis.
Umabot naman sa mahigit 800 tonelada ng langis ang natanggal na at 400 tonelada rin na mga solid waste sludge at debris ang tinanggal sa karagatan.