-- Advertisements --
Nakadaong na sa Manila Bay ang isang barko na mayroong 12 tripulanteng Pinoy na dinapuan ng COVID-19.
Sa 21 crew ay mayroong dalawang tripulante ng MV Athens ay kailangan ng agarang medikasyon dahil sa hirap na paghinga.
Tumulong na ang Philippine Coast Guard kung saan nagpadala na sila ng medical oxygen para magamit ng mga crew.
Ayon naman sa Department of Health (DOH) na kanilang pinag-aaralan ang posibilidad na mailipat ang mga crew sa mga isolation facility ng bansa.