-- Advertisements --
Nagdulot ng oil spill ang pagkabutas ng cargo ship habang ito ay nasa karagatan ng Mauritius.
May kargang 4,000 toneladang langis ang MV Wakashio at nagkaroon ng malaking butas habang ito ay nasa karagatan ng Indian Ocean dahil sa sama ng panahon.
Sinabi ni Prime Minister Pravind Jugnauth, na ligtas namang nailipat ang karga nitong mga langis.
Pinaghahandaan nila ang matinding pinsala na dulot ng nasabing oil spill na maaaring sumira sa kilalang coral reefs na siyang dinarayo ng mga turista.
Gamit ang mga helicopter ay nailipat ang mga langis sa isang barko na pag-aari rin ng kumpanyang Nagashiki Shipping.