-- Advertisements --
Nakaalis na sa Iran ang Stena Impero, isang oil tanker mula sa United Kingdom, matapos na kumpiskahin noong Hulyo 19.
Ayon kay Erik Hanell, president at CEO ng Stena Bulk, nakalabas na sa Bandar Abbas port ang barko at binabagtas na ang Dubai para makababa ang mga crew.
Dagdag pa nito na naabisuhan na nila ang mga kaanak ng crew para sa nasabing pagpapalaya.
Magugunitang kinumpiska ng Revolutionary Guards ng Iran ang nasabing barko sa Strait of Hormuz na lulan ng 23 miyembro.