Kinondina ng Japan ang pag-hijack ng Iran-backed Houthi rebels ng Japanese-operated, British-owned cargo ship sa Red Sea.
Ayon sa nasabing Yemeni militia na napagkamalan nila na ito ay pag-aari ng Israel at ang pagkumpiska ng barko ay simula lamang ng labanan sa dagat.
Itinanggi naman ng Israel na kanilang pag-aari ang nasabing barko at sinabi ng Japanee government spokesperson na ito ay inooperate ng Nippon Yusein.
Ang barko na may pangalang Galaxy Leader ay may lulan na 25 crew members na binubuo ng Bulgarian, Mexican, Filipino at Ukrainian nationals.
Naganap ang hi-jacking malapit sa Hodeida, Yemen habang ito ay patungo sa India.
Hinikayat ng Japan ang mga bansang Oman, Iran at Saudi Arabia na sabihan ang Houthin para mapalaya na ang barko at ang kanilang crew.