Sumadsad ang decomissioned na barko ng Philippine Navy na BRP Lake Caliraya malapit sa pampang ng Sitio Crossing, Barangay Poblacion, Morong sa Bataan kaninang alas-8 ng umaga ayon sa kumpirmasyon ng Philippine Coast Guard (PCG).
Nakatakda sanang gamitin ang naturang barko bilang mock enemy target sa maritime exercises ng Pilipinas at Amerika kahapon, Hulyo 13 kasabay ng semi-annual Marine Aviation Support Activity 2023 subalit ipinagpaliban dahil sa masamang lagay ng panahon.
Base sa incident report ng PCG, hinahatak ang naturang barko patungo sa Subic Zambales para sa MASA maritime strike exercises subalit naputol ang tow lines na nakakabit sa barko dahil sa malalakas na alon dahilan para matangay ang naturang barko.
Kasalukuyang nagsasagawa na ng rescue operation ang PCG-Bataan para sa tatlong tripulante na sakay ng motor tanker at nakikipagugnayan sa tugboat na in cahrge para sa agarang pag-pull out sa naturang vessel.
Ayon pa sa PCG wala namang lamang langis ang naturang barko.