Pinabulaanan ng Philippine Coast Guard ang ulat na itinaboy na umano ng Chinese counterpart ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na ipinadala sa pinag-aagawang Scarborough Shoal na kilala bilang Bajo de Masinloc.
Ayon kay PCG spokesman for the West Philippine Sea spokesman Jay Tarriela, ang naturang ulat ay mali.
Tinatawag ng China ang Scarborough Shoal bilang Huangyan na may laying 124 nautical miles mula sa Masinloc, Zambales.
Ito ay nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas
Ayon sa opisyal, ang barko ay magpapatuloy sa pagpapatrrokya sa ntaurng karagatan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino sa lugar.
Kung maaalala, inanunsyo ng NSC noong nakaraang linggo ang inatasan ng gobyerno ang PCG at BFAR na magpakalat ng kanilang mga barko para sa rotational deployment sa Bajo De Masinloc.