-- Advertisements --
Kinumpirma ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na patuloy pa rin ang iligal na presensya ng mga barko ng Chinese Coast Guard.
Nakita ang tatlong barko nila sa Panatag (Scarborough) Shoal, isa sa mga munisipalidad ng Kalayaan sa Palawan at isa rin sa Ayungin (Second Thomas) Shoal.
Ang nasabing presensya ay kanila ng pinag-aaralan para sa posibleng pagsasampa na naman ng kaukulang diplomatic actions.
Nakita ang nasabing mga barko sa isinagawang maritime patrols and exercises ng Philippine Coast Guard (PCG) sa munisipyo ng Kalayaan at Panatag Shoal.
Ipinagpasalamat na lamang nila dahil wala pang mga bagong insidente ng pananakot sa mga mangingisdang Pinoy sa lugar.