Intensiyonal na binangga at hinarangan ng barko ng China Coast Guard ang Philippine Coast Guard (PCG) boat habang nasa nagsasagawa ng medical evacuation sa may-sakit na miyembro ng Philippine Navy na nakaistasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.
Base ito sa inilbas na video ng PCG ngayong araw ng Biyernes.
Ibinunyag ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ngayong araw na nangyari ang insidente noong Mayo 19.
Sinabi pa ng PCG official na ang barbaric at hindi makataong aksiyon ng China Coast Guard ay walang lugar sa ating lipunan. Ang simple lamang sana na medical evacuation operation ay nauwi sa harassment.
Sa kabila din aniya ng pagpapabatid sa Chinese Coast Guard sa pamamagitan ng radio at public address system sa humanitarian nature ng kanilang misyon para sa medical evacuation, nagsagawa pa rin ng mapanganib na maniobra at intensyonal na binangga ng Chinese vessel ang bangka ng PH.
Sa kabila nito, matagumpay pa rin na nadala sa pinakamalapit na ospital at agad nilapatan ng medikal na atensiyon ang may sakiy na sundalo matapos na ideploy ang PCG high-speed response boat (HSRB) mula sa Buliluyan Port sa Palawan