Namataan ang isang 135 meter na Chinese Coast Guard (CCG) ship na nasa 60 nautical miles kanlurang bahagi ng Lubang island nitong hapon ng Linggo.
Batay sa post ni West Philippine Sea monitor Ray Powell sa kaniyang X account ngayong araw, kasalukuyang nagsasagawa ng intrusive patrol ang barko ng China sa naturang lokasyon.
Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon ang Philippine Coast Guard sa namataang presensiya ng barko ng China sa lugar.
Samantala, nagsagawa naman ng shadowing ang barko ng China na 110 meter CCG 4302 sa barko ng Pilipinas na BRP Melchora Aquino sa 2 araw na pagpapatrolya nito sa 20-25 nautical miles ng Scarborough shoal kahapon.
Sa kabila nito nagawa pa ring makumpleto ng PCG vessel ang isinagawa nitong pagpapatrolya sa karagatang parte ng West Philippine Sea.