-- Advertisements --

Nadagdagan pa ngayon ang mga barko ng China sa may bahagi ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea.

Nasa siyam na barko daw ng China ang namataan sa Scarborough shoal kung saan apat dito ay barko ng Chinese Coast Guard at apat na unknown Chinese ships at isang Chinese fishing vessel.

Habang apat na fishing boats naman ng mga Pinoy ang nakita sa lugar.

Ito ay batay sa isinagawang aerial reconnaisance patrol ng Philippine Navy ngayong araw gamit ang donasyong Beech craft King Air C-90 aircraft ng Japan.

Ang C-90 ang pinakabagong commissioned fixed-wing aircraft ng Philippine Navy.

Ayon kay Northern Luzon Command spokesperson Lt. Col. Isagani Nato na ang deployment ng C-90 aircraft ay para i-monitor ang lugar sa mga kilalang mga shoal na matatagpuan sa West Philippine Sea.

Ang paglipad ng C-90 aircraft nitong Miyerkules ang siyang kauna-unahang misyon ng eroplano.

Tiniyak naman ni Nato na gagamitin ng NolCom ang lahat ng kanilang mga available assets and resources para protektahan ang teritoryo ng bansa kabilang ang northern maritime areas.

Habang lumilipad ang C-90 aircraft ay walang napansin ang mga Philippine Navy pilots na nagsagawa nang “challenge” sa kanila ang China.

Dakong alas-9:45 nitong umaga ng Miyerkules nang lumipad ang C-90 aircraft sa may bahagi ng Bajo de Masinloc na may taas na 800 feet above sea level.