Nagpapatroliya na sa Escoda shoal sa West Philippine Sea ang ipinadalang barko ng Philippine Coast Guard kapalit ng BRP Teresa Magbanua para bantayan ang lugar at siguruhing walang reclamations at iba pang mga illegal na aktibidad doon.
Ayon kay National Security Council spokesperspon Assistant Director General Jonathan Malaya na taliwas ito sa sinasabi ng ilang mga sektor na sumuko ang PH mula sa pagp-aangkin nito sa naturang shoal matapos na i-pull out ang BRP Teresa Magbanua kamakailan.
Kumpiyansang sinabi din ni Malaya na hindi umatras ang Pilipinas o ibinigay ang Escoda shoal sa China kundi nagkaroon lang aniya ng repositioning.
Ipinaliwanag din ng NSC official na kailangan ng mga Coast Guard personnel na sakay ng BRP Teresa ng supply reprovision gayundin kailangan ding kumpunihin ang natamong mga pinsala ng barko matapos ang 3 beses na intensiyonal na pagbangga ng mga barko ng China Coast Guard noong Agosto.
Una na rin aniyang nilinaw ni National Security Adviser Eduardo Año na magpapadala ng relief ship para sa BRP Teresa Magbanua doon sa Escoda shoal.
Ang Escoda shoal ay nasa 75 nautical miles ang layo mula sa Palawan at pasok ito sa exclusive economic zone ng Pilipinas.