Iniulat ni National Maritime Council (NMC) spokersperson USec. Alexander Lopez na sa ngayon walang napaulat na panghaharass mula sa Chinese militia sa barko ng Pilipinas na ipinadala kapalit ng BRP Teresa Magbanua para magbantay sa Escoda shoal sa West Philippine Sea.
Sa pulong balitaan ngayong Sabado, sinabi ni USec. Lopez na hindi lamang sa Escoda shoal ang binabantayan kundi maging sa iba pa na saklaw ng bansa sa WPS.
Nitong Biyernes, kinumpirma ni National Security Adviser Eduardo Año na naglayag na ang kapalit na barko ng BRP Teresa subalit pansamantalang sumilong dahil sa masamang panahon.
Sinabi din ng opisyal na hindi na kailangan ng bagong kasunduan sa pagitan ng PH at China kaugnay sa shoal dahil ang mahalaga aniya ay matigil ang anumang reclamation activities sa lugar.