-- Advertisements --
image 76

Binabantayan ng dalawang barko ng Chinese Coast Guard ang barko ng Philippine Navy na BRP Andres Bonifacio.

Ayon kay Philippine Coast Guard Commodore Armando Balilio, nangyari ito malapit sa Mischief Reef, sakop ng 200 nautical miles ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Bukod sa dalawang barko ng China, lumabas din sa ulat na meron pang dalawang Chinese vessels ang nag-intercept course sa barko ng Philippine Navy.

Nabatid na sa mga oras na iyon ay nagsasagawa ng patrol at search mission ang Philippine Navy.

Hindi naman nakialam ang mga dayuhan sa nasabing mission ng Philippine Navy.