-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Bumisita ng isang international cruise ship na “The World” sa Kalanggaman Island ng Palompon, Leyte.

Ayon kay Terons Osmeña, municipal environment and eco-tourism ha Palompon, Leyte, nasa 165 foreign nationals ang sakay ng naturang barko na nag-enjoy sa napakagandang sand bar at dagat.

Samantala, ilan pang mga naka-schedule na bibisita rin sana sa naturang isla ang temporaryong kinansela dahil sa pagdaong ng cruise ship sa Kalanggaman.

Nabatid na ang “The World” ay hindi lang ordinaryong cruise ship dahil ito ay isa sa mga barkong binansagang floating condominium.