-- Advertisements --
Ph locator south cotabato tantangan
Cotabato City

KORONADAL CITY – Tinatayang nasa mahigit 5,000 Muslim ang nagtipon-tipon sa Bangsamoro Government Compound sa Cotabato City para sa obserbasyon ng Eid’l Adha.

Pinangunahan mismo ito ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Ahod Murad Ebrahim kun saan naki-isa din ito sa pagsasagawa ng congregational prayers.

Kinabibilangan umano ito ng mga opisyal ng gobyerno at empleyado ng BARMM Government at maging ng mga ordinaryong Muslim sa Bangsamoro region.

Kasabay nito, panawagan ni Ebrahim aang sustainable peace at moral governance sa harap ng kapwa Muslim lalong-lalo na sa mga opisyal ng gobyerno upang maabot ang maayos na pamamahala sa BARMM.

Sa kabilang dako, ipinahayag din ni Ebrahim ang buong suporta ng BARMM para sa rehabilitasyon ng Marawi City matapos ang giyera kung saan maraming Muslim ang namatay.