-- Advertisements --

Pinapa-resign na ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) chief minister Ahod Ebrahim ang kanyang mga cabinet ministers, kasama na ang iba pang department heads.

Ito ay sa pamamagitan ng Memorandum Circular 189, kung saan inuutusan ang lahat ng mga senior officials na ihain na ang kanilang mga courtesy resignation.

Ang naturang order ay upang mabigyan si Ebrahim ng sapat na oras at panahon para ma-reorganize ang kanyang gabinete.

Sa kasalukuyan ay hindi pa malinaw kung hindi nasiyahan si Ebrahim sa naging performance ng kanyang mga gabinete.

habang inilabas ang naturang memorandum, anim na buwan matapos maghain ang limang provincial governor ng BARMM ng kanilang manifesto at liham kay PBBM kung saan nakadetalye ang mga security problems sa rehiyon.

Ang BARMM ay nananatiling nasa transisyon kasunod pa rin ng pagkakapasa sa Bangsamoro Organic Law sa isang plebisito noong 2019.

Sa kasalukuyan ay ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) pa rin ang interim government ng naturang rehiyon. It ay binubuo ng 80 members, karamihan sa kanila ay mga miyembro ng MILF.