-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Buo at suportado parin ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay may kinalaman sa kumalat na impormasyon sa Social Media at larawan ng Pangulo na tila nagsasabi na “Balimbing ang BARMM”.

Sa kabila nang pagpapalawig ng Bangsamoro Transition Authority (BTA-BARMM) ay sinuportahan umano nito at tinukoy ang kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno bilang pangulo.

Sa kalatas o official statement na inilabas ng tanggapan ni BARMM Chief Minister Ahod Murad Ebrahim na itoy walang katotohanan.

Mananatili ang pagsuporta ng BARMM sa sinumang Opisyal o Lider na susuportahan o i-indorso ni Duterte lalo na kung si Mayor Inday Sara Duterte.

Nagpapasalamat rin ang Bangsamoro Government sa agarang pagsuporta ni pangulong Duterte sa pagpapaliban ng BARMM Election at pagpapalawig ng Transition Period.

Matatandaan na unang nilinaw ni Maguindanao 2nd District Congressman Esmael”Toto”Mangudadatu ang kumakalat na balita na inaakusahang lumipat siya sa Aksyon Demokratiko at mariin nitong itinanggi ang panunumpa.

Ang presensya ni Mangudadatu sa Oath Taking ay hindi bilang isang politiko, kundi bilang kabiyak ni Mrs. Sharifa Akeel-Mangudadatu na ngayon ay tatakbo sa Probinsya ng Sultan Kudarat.

Bilang asawa ay tungkulin ni Cong Toto na suportahan ang kanyang maybahay sa kanyang mga mabuting adhikain para sa kanyang minamahal na probinsya.

Bilang nagpapapiling Gobernador sa Probinsya ng Maguindanao, nais linawin ni Mangudadatu na sya ay nasa ilalim pa rin ng PDP-LABAN.

Samantalang sa local party ay karangalan ni Mangudadatu na nasa ilalim siya ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“Ang aking katapatan ay nasa aking sinumpaang partido, at yan ay sa ilalim ng PDP-LABAN at UBJP. Kung kaya, ang aking suporta at puso ay nasa ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte pa rin”.

Hiniling ni Mangudadatu ang pang-unawa,huwag magpapadala sa mga maling balita na ipinapakalat ng mga may masamang layunin na malinaw na nais lamang manira upang lituhin ang mamamayan ng Maguindanao at BARMM.

Bago lang ay nilinaw ng Philippine News Agency (PNA) na walang ganun na balita na sinabi ng Pangulo at itoy fake news.