CENTRAL MINDANAO-Patay ang riding in tandem suspects sa pagtugis ng pulisya sa syudad ng Cotabato.
Nakilala ang mga nasawing suspek na sina Naif Pasandalan Kasim, 22 anyos, binata at residente ng Purok Talitay, Barangay Rosary Heights 7 at si Lakmudin Mohammad, 26, may asawa, at Nakatira sa Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City.
Ayon sa ulat ng pulisya na unang pinagbabaril ng mga nasawi si Rahib Panumpang Payapat 40 anyos, may asawa, kawani ng Bangsamoro Transition Authority at residente ng Cotabato City.
Agad naglunsad ng pursuit operation ang pulisya at nasawi ang mga suspek nang makipagbarilan sa mga otoridad.
SAmtala sinusundan rin ito ng isa pang pamamaril sa lungsod kung saan nasawi si Rashiden Angas Tatak, 25 years old, single, walang trabaho at residente ng Governor Gutierrez, Rosary Heights 7.
Sugatan naman si Asnaira Lao Intug, 22 years old, single at residente ng Tukananes, Poblacion 7.
Kinondena naman ni Cotabato City Mayor Bruce Matalabalao ang magkasunod na pamamaril sa lungsod na patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad.