-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagkakahalaga ng P500-M ang inilaan na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na pondo para sa mga magsasaka.

Ito ang kinumpirma ni Ministry of Interior and Local Government (MILG) Minister at BARMM Spokesman Atty. Naguib Sinarimbo.

Sinabi ni Sinarimbo na ang pondo ay naibaba na at inilipat na sa MAFAR para makatulong sa mga mahihirap na magsasaka sa rehiyon.

Ang pondo ay gagamitin para bilhin ang mga inaning palay ng mga magsasaka.

Umaasa ngayon ang Regional Government na mapupunan ang paghihirap ng mga ito lalo pa at bumaba ang presyo ng kada kilo ng palay.