Nagpaabot ng pakikiramay ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao government sa lahat ng mga mananampalatayang katoliko at simbahang katoliko matapos na pumanaw si Pope Francis.
Sa isang pahayag , inilarawan ni BARMM chief minister Abdulraof Macacua ang Santo Papa bilang pinagmumulan ng moral clarity para sa mga panawagan nito para sa kapayapaan.
Ayon kay Macacua, si Pope Francis ay isang beacon of hope para sa lahat lalo na sa pagiging advocate nito sa pagkakaroon ng kapayapaan, hustisya at interfaith dialogue.
Binigyang diin rin ng leader ng BARMM na ang adbokasiya ng Santo Papa para sa kapayapaan ay hindi lang isang pronouncement kundi isa itong panawagan ng pagkilos at isang paalala ng pagkakaroon ng humanity.
Maaalalang inanunsyo mismo ng Vatican nitong Lunes ang pagpanaw ng Santo Papa sa edad na 88 anyos.
Batay sa inilabas na medical certificate nito, lumalabas na nagkaroon si Pope Francis ng stroke at irreversible heart failure na humantong sa coma bago siya tuluyang nasawi.