-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagpadala ng tulong ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa mga sinalanta ng pagsabog ng bulkang taal.

Nanguna ang pangkat ng Tabang Bangsamoro sa paghahatid ng tulong sa probinsya ng Batangas.

Ayon kay BARMM Chief Minister Alhaj Murad Ebrahim na nagpadala sila ng 1500 relief packs.

Patunay lamang ito na ang Bangsamoro Government ay nakahandang tumulong sa mga kababayan kahit sa labas pa ng teritoryo ng Bangsamoro.

Ang mga relief packs ay lulan ng READI-BARMM truck at nakatakdang darating sa Batangas.