-- Advertisements --

COTABATO CITY – Malaking porsyento ang ibinaba ng poverty incedence sa Bangsamoro Authonomous Region in Muslim Mindanao sa inilabas na listahan na Poverty Incidence Among Families by Region ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Sa naging pulong balitaan nitong hapon na pinangunahan ng Bangsamoro Information Office, sinabi ni BARMM Cabinet Secretary Mohd Asnin Pendatun, malayo ang agwat nitong bagong list na inilabas ng PSA na nasa 29.8% kumpara noong 2018 na nasa 55.4% ang poverty rate ng Bangsamoro Region.

Masayang ibinida rin ni Pendatun na halos 25.6% ang ibinaba ng BARMM, at tanging ang Bangsamoro Region lamang ang nakapagtala nasa double digit ang naging reduction kumpara sa ibang rehiyong sa Pilipinas.

“Based on the statistics released by PSA in fact if you’re going to do a comparative of that yung 2018 the poverty incidents among families in the then ARMM was actually at 55.9% or 55.4%. In 2021 and recent statistics we are happy to know that from 55.9% naging around 39% yun pong poverty incidents and we are the only region in the Philippines na nakapagtala po nh double digit na reduction.” – Ani Cabinet Secretary Pendatun.

Una ng iniulat ng PSA na tumaas ang poverty incidence sa bansa ng hanggang 18.1% noong 2021 na katumbas ng 19.99 million mahihirap na Pilipino, at ang BARMM ang may pinakamataas na percentage na pumapalo sa 29.8% kumpara sa ibang rehiyon sa bansa.