Inalala ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang Jabiddah massacre na kumitil sa mga Moro fighters sa Corregidor Island 54 na taon na ang nakakalipas na nagbunsod ng pagkakatatag ng autonomous entities sa Muslim Mindanao.
Sa anibersaryo ng Jabidah massacre na nangyari noong March 18, 1968, sinabi ni BARMM Chief Minister Ahod na umaasa silang mabigyang pagpupugay ang buhay na nawala kabilang ang mga hindi mabilang na mga Moro na namatay sa naturang trahediya sa pamamagitan ng pagkakatatag ng BARMM.
Ayon kay Ebrahim ang pagmasaccre sa mga Moro fighters mula sa Sulu, Basilan at Tawi-tawi sa Corregidor ay nagresulta ng Moro revolution sa Mindanao sa panahon ng Marcos administration noong 1968.
Dahilan para mabu ang Moro National Liberation Front (MNLF) at kalaunan ang Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ang paggunita aniya ng Jabidah Massacre ay isang uri ng pagkilala sa despair na naranasan ng Bangsamoro, Isa rin aniya itong inisyatibo patungo sa paghilom ng nakaraan, pagkakasundo at pagkakaisa ng lahat ng mamamayan ng bansa.