CENTRAL MINDANAO– Naglabas na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng opisyal na watawat ng BARMM matapos ang isang batas na nilikha ng Bangsamoro Parliament ay naaprubahan ni BARMM interim Chief Minister Alhaj Murad Ebrahim.
Pumirma si Ebrahim ng batas sa unang Bangsamoro Act na nagpatupad ng opisyal na watawat ng bagong nilikha na rehiyon.
Ang watawat ay may apat na natatanging kulay, hugis, pitong may sinag ng bituin at isang kris na simbolo ng Moro Sword.
“The Bangsamoro flag is reflective to its people’s identity, history, heritage, struggles and aspirations,” ani BARMM spokesperson Atty Naguib Sinarimbo.
Dagdag ni Sinarimbo na ang bandila ay may tatlong quarter color. Sa tuktok ay berde na sumasalamin sa mga turo at prinsipyo ng Islam ng Bangsamoro.
Puti ang gitnang bahagi, nagpapahiwatig ng kapayapaan, Sakina (katahimikan) at katuwiran.
Sinabi ni Sinarimbo na sa ilalim na bahagi ay may kulay pula na sumisimbolo sa mga nagbuhis buhay na mga mandirigma na nakipaglaban para sa pagkilala sa pagkakakilanlan at pagpapasiya sa sarili ng Bangsamoro.
Sa gitna ng puting bahagi, natagpuan ang isang hugis at ang pitong may sinag na bituin sa dilaw na kulay. Ang dilaw ay nagpapahiwatig ng maliwanag na hinaharap na naghihintay sa Bangsamoro.
Ang hugis ay simbolo ng sumasagisag sa mga prinsipyo na gumagabay sa Bangsamoro na nagpupumilit para sa pagpapasiya sa sariling kalayaan.
Ang pitong may sinag ng bituin ay kumakatawan sa limang lalawigan ng Maguindanao, Lanao Del Sur, Sulu, Tawi-tawi, Basilan, Cotabato City at ang 63 na mga barangay na ngayon ay bahagi ng teritoryo ng Bangsamoro.
At sa huli, ang puting kulay na Kris na matatagpuan sa gitna ng pulang kulay na bahagi ay sumisimbolo sa pangangalaga at paglaban ng Bangsamoro at iba pang mga katutubo sa teritoryo laban sa pang-aapi, paniniil at kawalang katarungan.