-- Advertisements --

COTABATO CITY – Nakapagtala ng 71 Violence Against Women and Children o VAWC Case ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ngayong taon.

Ito ang naging pahayag ni PMajor Merle Mandi Glemao,Chief ng Provincial Women and Children Protection Desk ng Maguindanao Provincial Police Office kahapon sa Culmination Program ng 18 day Campaign to End Violence Against Women o VAW na ginanap sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Ito ay nalathala simula Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon kung saan 70 ang mula sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon pa kay Maj.Glemao,27 dito ang Rape Cases habang 34 naman ang ibat ibang kaso ng pang aabuso.

Mas marami ito kung ikukumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa 68 cases.

Dahil sa nakakaalarmang bilang ng mga kababaihang inaabuso sa rehiyon ay nagtulong tulong ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan katuwang ang mga Non Government Organizations upang mahinto ito.

Sa isinagawang programa,nagkaroon ng Signing and Ceremonial Launch ng Guidance Note at Fatwa on GBV na sinaksihan nina Datu Odin Sinsuat Mayor Cheryl Mary Rose Ann Lu Sinsuat,UNFPA Country Representative Dr. Leila Joudane,BWC MP Bainon Karon,MP Atty. Omar Sema,MP Atty.Suharto Ambolodto at iba pang partner NGOs.

Layunin ng nasabing Kampanya na matigil na ang pang aabuso sa mga kababaihan at matulungan sila na maibalik ang kumpyansa at tiwala sa sarili upang makapagbagong buhay.