CENTRAL MINDANAO-Namahagi ng tulong sa mga sinalanta ng baha ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa dalawang bayan sa lalawigan ng Maguindanao.
Unang namahagi ng ayuda ang MSSD- BARMM sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao kung saan lubog sa baha ang labing isang Barangay.
Labis ang pasasalamat ng LGU-Datu Montawal sa pamumuno ni Mayor Datu Otho Montawal sa mabilis na aksyon ng BARMM government.
Una nang nananawagan ng ayuda si Mayor Montawal sa provincial Government ng Maguindanao at BARMM sa 6,814 na pamilya na sinalanta ng baha.
Gayundin namahagi ng relief goods ang BARMM sa mga Barangay sa bayan ng Pagalungan Maguindanao na labis na naapektuhan ng baha dulot ng pag-apaw ng Pulangi river kahit walang ulan.
Ang nararanasang pagbaha sa dalawang bayan sa Maguindanao ay dulot ng mga naipong tubig sa bagyong Odette galing ng Bukidnon,Agusan,CDEo at karatig lugar.
Sa ngayon ay todo bantay ang PDRRMO-Maguindanao sa paparating na sama ng panahon sa silingan ng Mindanao.