-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Itinaas na sa Code Red ang Ministry of Health (MOH) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa COVID 19.

Itoy kasunod ng pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of public health emergency sa mabilis na paglobo ng mga kaso ng COVID 19 sa bansa.

Ayon kay BARMM Health Minister Dr Safrollah Dipatuan na sa ilalim ng Code Red Status,lahat ng health facilities at kawani sa BARMM ay inatasan na doblehin ang paghahanda sakaling may madiskubreng mga kaso ng COVID-19 na kinakailangan ng close monitoring.

Inabisuhan na ni Dipatuan ang lahat ng mga pagamutan sa BARMM na maghanda ng solation room para sa mga pasyente ng COVID-19.

Laging nakahanda ang Minister of Health at ginagawa nila ang lahat para proteksyunan ang mamamayan ng Bangsamoro region.

Hangang ngayon ay walang naitalang kaso ng COVID 19 sa BARMM.