-- Advertisements --

Itinanggi ng dating aktor na si Baron Geisler ang mga maling impormasyon na kumakalat sa iba’t-ibang mga pahayagan tungkol sa pagkakaaresto nito.

Ani Baron sa kaniyang social media post maraming maling impormasyon tungkol sa insidente na nagdulot daw ng mga kalituhan, dagdag pa nito na ‘I’m okay, and I’m seeking legal advice to address this properly.’

Pahayag ni Baron Geisler sa kaniyang FB post / Screenshot from @BaronGeisler

‘There’s a lot of misinformation circulating, especially from news outlets that failed to verify the facts before reporting. Irresponsible journalism has blown things out of proportion, creating unnecessary confusion,’ pahayag pa ng aktor.

Sa mga ulat kasi na kumalat di-umano nagwala ang aktor habang lasing sa Canduman, Mandaue City na mariing itinanggi ni Baron.

Ngunit mabilis na kumalat ang kaniyang mug shot sa social media noong Sabado, Pebrero 22 kung saan naaresto umano ito dahil sa public intoxication na labag umano sa ordinansa ng lungsod na kalaunan ay dinala sa Canduman police station.

Nakalaya lang umano si Baron dahil sa piyansang binayad nito.

Kaugnay nito aminado ang aktor sa matagal na nitong problema sa adiksyon sa alak kung saan ibinahagi pa noon ng kaniyang asawa na si Jamie Evangelista na humaharap ang asawa sa tinatawag na relapse —pagbabalik sa masamang gawi o kondisyon.

Sa ngayon ‘wala pang malinaw na dahilan kung ano ang naging mitsa nang pagwawala ni Baron dahilan para ito ay maaresto.